Tuesday, June 12, 2007

Bigkas Bata

Hindi man ako makata..
At laging astang bata..
Di dahilan upang lumikha ng tula..
Na para bang nakakalula..

Bulol madalas, bingi kung minsan..
Pero may angking kaalaman..
Sa bigkas ng buhay at agos ng panahon..
Hindi man magaling, nakakaahon din sa hamon..

Isang batang isipan, takot at tuliro..
Sa daanang lubak, mkipot at liko-liko..
Di malaman ang patutunguhan, ni paroroonan..
O ilang hakbang ang kailangan..

Ngunit sa dulo ay may tinig na nagaanyaya..
Maniwala, kumapit at sumama sa kanya..
Ang lahat ng hinahanap ay matatagpuan..
Huwag magalinlangan, mabibigyan din ng kapayapaan..


by: bangag_pa june12 00:31

No comments:

Post a Comment